xanthochroid wizardz
the cutest youths . . !!
Friday, July 22, 2011
Saturday, February 19, 2011
Talambuhay ni John Rafael "Paeng" Banayo
Ang talambuhay ay ginagawa upang isulat ang kanilang buhay kung saan sinasabi dito kung saan sila pinanganak, kung ano ang ginagawa niya noong bata pa siya at kung paano siya nakakilala ng maraming kaibigan. Bago ko ilahad ang aking buhay, nais ko munang makilala ninyo ang aking mga pinakamamahal na magulang na nagpalaki sa akin kahit na nagagalit ako minsan sa kanila nagpapasalamat parin ako dahil pinalaki parin nila akong mabait na bata. Maswerte at nagkaroon ako ng mga magulang na katulad nila. Ngayon ay sisimulan ko na nang ilahad ang aking buhay.
![]() |
Ang cute ko di ba? |
Nang maging apat na taon na ako, nagtataka ako kung bakit may napakalaking truck sa harap ko. Ayon pala ay lilipat na kami. Lahat ng gamit namin ay nagkasya sa truck na iyon. Habang nasa byahe kami, nakatanaw lagi ako sa salamin ng truck. Manghang –mangha ako sa mga tanawaing nakikita ko sa aking paligid katulad ng dagat, bundok, at kung anu-ano pa. tinong ko kay mama kung anu-ano ang mga nakikita ko. Nang makarating na kami sa aming lilipatan, nakita ko ang isang napakalaking bahay. Maganda, ngunit yun pala ay titira lang kami sa isang maliit na kwarto. Kinuha lang pala kami doon bilang tagapag bantay ng bahay. Nagkataon na doon din napadestino si papa. Pero ayos lang kasi kami lang ang nasa napakalaking bahay. Edi parang bahay na rin naming iyon.
![]() |
Ako at ang kaing mga kakalase noon. |
Doon na nag-aral ang kaptid ko ng kinder. Kapag umuuwi ang kapatid ko, lagi ko syang tinatanong kung ano ang ginagawa niya sa paaralan. At pag minsan ay kinukuha ko ang libro niya tapos babasahin ko dun,ko natutunang mag basa sa edad na apat na taong gulang. Nang makatapos na ang aking kapatid sa kinder lumipat na kami dahil sa sabi ni papa ay madidistino daw siya sa ibang lugar ng makarating na kami sa aming lilipatan. Nakitira muna kami sa ibang bahay at doon ko nakilala an gaming mga pinsan. Habang ginagawa an gaming bahay nakatira kami sa aming mga pinsan nang magawa na ang aming bahay. Syempre doon na kami tumira kahit hindi pa tapos ang bahay ay doon na kami tumira. Sa Brgy. Sta. Elena complex center dito ako unang tumuntong sa pag-aaral. Naaalala ko na noong kinder ako lagi akong hinahatid ni mama at sa tuwing recess na at bubuksan ang aking lunch box lagging natatapon ang aking inumin. Araw-araw lagging ganun kaya sanay na ako. Wala na akong problema sa aking pag-aaral dahil nung nasa Cavite ako lagi kong bninabasa ang libro ng aking kapatid kaya din ako na hihirapang magbasa dahil nga marunong na akong magbasa. Akin nalaang pinagtuunan ng pansin ay ang pag bibilang at pag-aaral ng math. Hindi naman naging mahirap sa akin ang pag –aaral sa kinder kaya naman nagkamedlaya ako. Nang tumuntong na ako sa unang baitang sa paaralan ng Placido Escudero Memorial School nagkaroon uli ako ng mga bagong kaibigan. Lahat sila ay mababait naalala ko sa tuwing recess talagang paunahan sa canteen parang isang marathon. Napakasaya noon sa tuwing naauna ka marami kang mapagpipilian at kapag dumami na ang mga tao talgang rumbulan yan dahil sa kunti lang ang pagkain sa canteen. Kaya nagdadala nalang ako ng pagkain. Sa tuwing tanghalian naman uuwi ako sa amin upang kumain at pagkatapos papasok na uli ako araw-araw ay ganun ang ginagawa ko hanggang tumuntong ako ng ikatlong baitang.
![]() |
Ako at ang aking mabutihing ina. |
Noong nasa ikatlong baitang ako iba na ang kakalase ko at dahil nga sa nasanay ako sa ibang kaklase ko nahirapan akong makibagay sa kanila dahil iba ang mundo nila kaysa sa akin kaya mas madalas nalaitin nila ako. Pero tinitiis ko nalang yun iniisip ko nalang nakailangan mag-aral dahil malalampasan ko sila sa tuwing tinutukso nila ako lagi ko nalang iniisisp iyon. At nag patuloy ang mga araw na ganun. Syempre sa mga Christmas party sama-sama lagi ang mga estudyante at mga guro para mag party. Pero ako nasa isang sulok palaging nag iisa dahil nga ayaw nila makisama sa akin. Ang pasko naman sa aming bahay ay sobrang saya sabi ni mama na may Santa Claus daw pero di ako naniniwala doon. Paano ba naman ang makakapasok si Santa kung walang papasukan kaya nag imbestiga ako sa gabi na nang malaman ko sina mama at papa nga lang talaga yan at napatawa nalang ako tama nga ako walang Santa Claus. Si Santa Claus pala ay aking mga magulang. Kinaumagahan nakita ko ang aking regalo sabi ni mama ”dib a totoo si Santa?” at ngumiti nalang ako at sinabi ko sa kanya “opo totoo po sila “ may halong pagtataka si mama bakit ko sinabing “sila” ehh isa lamang si Santa siguro. Nahalata ni mama na alam ko na sila ang nagreregalo sa amin at hindi si Santa. Papgkatapos naming kumain umalis kami upang gumala sa bayan. Nanuod kami ng sine napakasaya ko noong paskong yun. Syempre pagkatapos ng pasko papasok ang Bagong Taon. Di ba maraming paniniwala sa bagong taon. Katulad ng pagpapaputok at pag susuot ng kulay pula. Dahil ayon daw sa alamat may isang halimaw daw ang dumarating upang kumain ng mga bata na diskubre ng isang monghe na ang halimaw ay takot sa pula at sa mga maingay na bagay kaya tuwing bagong taon at dumarating ang halimaw nagpapaputok at nag susuot ng pula upang takutin ang halimaw at may iba pang paniniwala katulad ng labing dalawang prutas simbolo ng labing dalawang buwan at pag susuot ng may bilog-bilog sa mga disenyo at pag lalagay ng malagit na kakanin. Sa tuwing nagpapaputok sa amin talagang nakakabingi marami din mga ilaw at ang mga handa ay napaka sasarap. Nung bata pa ako lagi akong pinapatalon ni mama para tumangkad ako na hanggang ngayon ay ginagawa ko sa tuwing tapos na ang bagong taon. Lalabas ako sa amin para makisaya sa aming kapitbahay. Makasiyahan kasi lagi sa amin tuwng bagong taon. Tandang tanda ko pa ang mga laru doon may sack race, battle game at may natatandaan akong isang game ito ay ang pinaka weird na game para sa akin palabasan ng ihi. Naalala ko ito dahil napaka saya ng game na ito halos lahjat ng lalaki ay sumali sa amin. Kaso di ako pinalad na manalo ehh bata pa ako at panibagong araw panibagong taon kug pwede lang na dio matapos ang nangyari nung bagong taon sana di nalang natapos kaso kelangan mag bago ang araw kailangan natin harapin ang ngayon. Pasukan nanaman ang mga kaklase ko nag kukuwentuhan tungkol sa bagong taon. Kung anung ginawa nila, kung anu- ano ang kinain nilang pagkain at kung anu ang pina putok nila nung bagong taon. Pati ang guro naming ay nag kwento.
![]() |
Class picture ko noong elementarya. |
Nang maka tungtong ako sa ika anim na baitang ng elementary, dito dumami ang aking mga kaibigan dahil naging mabit na sila sa akin. Lalo akong ginanahan mag–aral ng isa ako sa pinaka magaling sa math. Lahat ng mga kaklase ko ay nagpapaturo sa akin. Nag bunga ang aking pag titiis kahit na tinutukso nila ako noon ay nag-aral pa rin ako ng mabuti at ngayon isa ako sa pinaka magaling na estudyante sa paaralan namin sa larangan ng mathematica. Sa aming paaralan may laro kami ito ay sikyo sa larong ito kailangang maghubalan kapag na huli ka kailangan mong pumnta sa base nila at kailangan iligtas ka kasi kung hindi matatalo kayo isa ito sa pinaka paborito kong laro pagkatapos ko kumain ng binalot mag aantay ako ng kalaro ko at pag kumpleto na kami mag gugrupo na kami. Napakasaya ng larong sikyo. Nang gagraduate na ako ng elementary mas nagbago na ako kahit minsan ay psaway akomay oras na seryoso ako dahil na isip ko na mag hihigh school na ako. Pumasok na ako ng high sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Mermorial National High School. Dito sa school sobrang dami ang nangyari, nagkarooon ako ng mga bagong kaibigan at kaklase pero may isa akong kaklase na kahit ngayon ay kakalase ko pa rin simula noong kinder ako, ito ay c Roi Guia kahit na minsan ay may sayad siya. Sanay na ako. Dahil kaklase ko na siya sa simula’t sapul. May naalala akong isang nakakatuwang kaklase dahil niloloko siyang paksiw o “Fritz paksiw” dahil nga naman amoy paksiw nga naman siya. Ito palagi ang tinutukso ng aking mga napakasasalaw na kaklase ko minsan pag wala kaming guro ikukulong siya sa likod ng pinto tapos huhulugan nila ng napakaraming rags. Minsan napa guidance pa ang mga kaklase ko dahil hinabol si Fritz tapos bubugbugin. Minsan na aawa ako kay Fritz pero wala naman akong magawa kundi tingnan siya naging sakim akong tao dahil nga ayaw ko nang mangyari sa akin ang nangyari sa akin noong elementary ako lagging inaasar at sasaktan. Kaya nanahimik nalang ako. Masaya ang mga events sa Dizon High kapag nutrition month ang 1st yr at ang 2nd yr ay nag peprecent ng “NutriJingle” naalala ko nuong nag nutrijingle kami kailangan naming mag issp n gaming kanta na unique tapos babaguhin namin ang lyrics natungkol sa nutrition month at mag papraktis kami ng sayaw at ng dumating na ang araw ng laban lahat ng mga kontestan ng gulay at kung ano-anu pa. Napakalaki ng excpectation sa amin dahil sa lagging seksyon naming ang nanalo sa contest na ito. Pero hindi sila nabigo sa amin kami ang nag first place sa nutrijingle. Sobrang saya din tuwing Christmas party. Nagkakaroon concert dito sa school at ang mga kasali ay ang mga estudyante na bumuo ng banda syempre pagkatapos ng concert may kanya kanyang Christmas party ang mga bawat seksyon. May event din dito na bingo masaya din itong event na ito kapag buminggo may mapapalanunan kang mga premyo kaso di mapalad na nanalo pero ayos lang kasi masaya. Satuwing natatapos an gaming klase paunahan talaga kami sa computer shop takbuhan kami nakahit masagasaan ay di naming iniisip dahil ang iniisip lang naming ay ang makapaglaro. Tuwing sabado naman, pupunta kami sa computer shop ng six ng umaga at matatapos ng gabi at minsan pa ay napapagalitan kami dahil sa gabi na nga kami umuwe.
![]() |
Yeah!! Ang gwapo ko! |
Maraming mga masasayang pangyayari ang aking mga naranasan sa pag daloy ng panahon sa aking harapan nais kong ilahad ang lahat ngunit dahil sa sobrang dami iilan lamang ang aking nailahad. Nalalapit na ang pagtatapos ng aking paglakbay sa buhay sekondarya, kung maaari lang ay maibalik ko ang mga ito at lasapin muli ang mga pagkakataong maaaring makalimutan sa pagtagal ng panahon. May mga pagsubok na dumating sa akin ngunit aking nalagpasan, may mga masasayang alaala na nag bigay ng inspirasyon sa akin. Alam ko hindi pa dito natatapos ang lahat dahil naniniwala ako na ang bawat buhay ng tao na puno ng kwento ay tila isang kayamanang hindi matutumbasan.
Liza Llanera"Talambuhay ng Babaeng simple, sobrang mapag-mahal, mahilig sa musika at masarap kasama".
![]() |
Noong 1 taon ako |
Kaya siguro naging pangarap ko ang maging singer at maging teacher naman dahil gusto ko ang nagbabagi ng aking kaalaman sa iba.
Noong bata pa ako sa Quezon kami nakatira at kung saan din ako sinilang. Para sa aking sa Quezon ang pinakamasayang parte ng buhay ko. Ang bahay naming doon ay katabi ng dagat at sa beach kami noon naglalaro ng mga pinsan ko at iba ko pang mga kalaro. Masasabi kong sobra ako doong masaya dahil nandam ang aking lolo at lola, mga pinsan, at iba ko pa mga kamag-anak pati na rin ang mga matalik kong kaibigan. Bawat araw nnon ay talaga namang hindi ko pa rin malilimutan dahil palagi ako dong masaya. Hindi ko pa rin malilimutan ang asaran naming magkakalaro, habulan sa beach o aplaya , ito ang tawag doon sa amin,pangunguha ng mga shell, panghuhuli ng mga katang-katangan o mas kilala nating alimango katulad nito ang maliit nga lang at ang ikinatutuwako ay ang magaganda nitong mga kulay at lalung-lalo na ang paglalaro ko ng san o buhangin ko. Para sa akin wala nang sasaya pa sa pagiging bata.
Noong bata pa ako ay spoiled ako dahil lahat ng gusto ko ay susunod kapag hindi ibibigay ng mama at papa ko ang gusto ay umiiyak ako at nagsusumbong ako sa aking mga inay at itay o ang lola at lolo ko. Dahil gusto ko noon nga maraming laruan tulad ng radio-radyuhan, mga manika at lahat halos ng mga makitang kong laruan. Hindi lang sa laruan gusto rin noon nga iba’t-ibang pagkain at hindi ko malilimutan ay ang palagi kong ipinabibili sa mama ko ang cotton candy, ice cream, at marami pang iba. Pati mga bag, sapatos, damit, gamit sa school, hikaw, singsing, pulseras, at ibang alahas. Minsan pa nga ay hindi ko malilimutan na naiwala ko ang regalo sa akin ng mama at papa ko na gintong hikaw dahil habang naglalakad ako sa tulay ito ay nahulog . napahalitan ako pero okay lang dahil kasalanan ko naman. At maging kung aalis ang mama ko ay gusto ko pagdating ay mayroon akong pasalubong. Kaya ngayong high school na ako ay napansin ko na talagang masaya pala talagang maging isang bata at masuwerte ako dahil may mga magulang akong palaging nandiyan para sa akin. ‘
![]() |
Noong Grade 1 |
![]() |
Grade 6 |
![]() |
Noong 3rd year |
At nang ako’y maging 1st year high school na ay hindi ko pa talaga alam kung ano ang buhay ng isang high school student at bilang isang teenager. Noong una, may nagsasabi dawn a ito daw ang pinakamasayang parte ng pagiging istudyante. At napabilang ako sa pinakamataas na seksyon sa aming paaralan, ang “science”. Noon, hindi ko pa alam kung bakit may mga seksyon pa ang mga mag-aaral gayon pareho lang naman ang mga mag-aaral, mag-kakaiba nga lang ng antas ng talino, talent at ugali pero isa lang ang dahilan kung bakit tayo nasa paaralan, ito ay upang matuto. Hinding-hindi ko malilimutan noong 1st year kami ay ang contest sa Filipino, iyon ay ang ibong adarna, dahil 1st time kong sumayaw ng may kapartner at talagang nahihiya ako pero ibinigay ko pa rin ang aking makakaya upang manalo kaya nanalo an gaming seksyon. Noong 2nd year ako, ang hindi ko makakalimutan ay ang Florante at Laura dahil sa costume naming na may pakpak dahil ako ay mang-aawit at kami noon ang best mang-aawit. Noong 3rd year naman ako, ang hindi ko kalilimutan noon ay ang J.S. prom. Dahil 1st time kong sumayaw sa ganoong okasyon at ang masaya pa dun ay nakasayaw ko ang aking pinakamalapit kong kaibigan at noong Makita ko siya akala ko pa nga ay hindi siya iyon. Hindi ko rin malilimutan noon ang mga asaran naming magkakabarkada at iba pang bonding moment noon gaya ng sama-sama naming pakikinig at pananonood ng mga naggigitara. Ang best friend ko noon ay sina Jimilyn at Girlyn. Si Jimilyn na matalino hindi lang sa math maging sa ibang subject din at si Girlyn na magaling bumigkas at magdrawing. At hindi ko rin makakalimutan ang pangalan ng barkadahan namin ang ‘Anime Lovers’ na kinabibilangan ng mga magkakaibigang may magkakaibang taleto. Ang mga kaibigan ko na sina Jimilyn, Girlyn, Berna, Maan Kaye Em at ako, kami ang “Anime Lovers”. Talagang masaya ako kapag magkakasama kami nagbobonding. At ang higit sa lahat ang hindi ko makakalimutan ay noong lumipat ako ng seksyon. Talagang sobrang nalungkot ako noon at sabi ko nga sa sarili na sana hindi na lang ako nagkasakit dahil hindi ko alam kung paano makikisama sa bagong seksyon na kina bibilangan ko ngayon.
![]() |
JS Prom |
![]() |
" Anime lover " |
At salamat din dahil nakilala ko ang mga kaibigan ko na sina Angel, Gill, Fona, Jerlyn, at Mitch. At hanngang ngayon patuloy pa rin akong nangangarap na sana balang araw matupad ko ang aking mga pangarap sa buhay.
"ang talambuhay ni Jazzy Caputulan ( simple but incredible !!)"
![]() |
si mommy at daddy |
![]() |
that's me . . |
![]() |
graduate na ako ng kinder ! |
![]() |
cute ko noh?! |
![]() |
hehe . . antaba ko haha . . |
![]() |
beautiful girls ! |
![]() |
peace men ! |
Sa aking pagtungtong nang hayskul ay napagpasyahan muli nang aking mga magulang na limipat sa San Pablo Laguna. hindi naging madali sa akin ang pagpasok ko sa hayskul, ngunit sa kabila nito ay naging maganda ang takbo nito napapunta kaagad ako sa mataas na seksyon ang seksyon "A", malungkot pa rin ako dahil wala pa akong nagiging kaibigan,ngunit habang tumatagal ay nagkakaroon na ako nang maraming kaibigan, hanggang sa nagkaroon ako nang barkada at naka buo nang grupo na pinangalanang JERSAJ nabuo ito noong kami ay first year pa lamang. naging masaya naman ang aming naging samahan, na halos araw-araw ay walang ginawa kundi magkwentuhan at magharutan,tawanan diyan, iyakan doon, at pagminsan ay labasan na rin ng mga problema. sa pagtungtong ko nang second year ay nabawasan na ang mga original na 1st year-A, pero hindi naman naging mahirap para sa akin na kaibiganin sila,naging masaya rin dahil magkakasama kaming lumalaban sa mga kompetisyon sa eskwelahan at sa kabutihang palad naman ay nananalo kami.pagdating nang third year ay nadagdagan kaming muli nang mga bagong mukha sa classroom, mababait naman sila sa katunayan nga ay napadagdag sa aming samahan ang isa sa kanila si shiara sabirin, kaya napaltan ang aming pangalan at naging JERSSAJ na.
![]() |
whoo . .laban !! |
![]() |
4-ablaze! |
Subscribe to:
Posts (Atom)