Saturday, February 19, 2011

"ang talambuhay ni Jazzy Caputulan ( simple but incredible !!)"






si mommy at daddy
       Noong Oktubre 1994 ay nagkakilala sa unang pagkakataon si jill dobles at  si william caputulan at noong disyembre 7,1994. isang taon ang nakalipas ay nabuo ang kanilang pagmamahalan at ako ang naging bunga niyon. hulyo 25,1995, ika-dalawa at kalahati nang hapon ay ipinanganak ako na malusog at tumitimbang nang 7.5 pounds. dahil sa aking pagsilang magpakasal, noong Enero 29,1996 sa lokal ng veterans ng iglesia ni cristo , ika-tatlo ng hapon ay nagisang dibdib dila.




that's me . .
  sa pagsilang sa akin ay ipinasya nila na pangalanan akong JAZZY sa kadahilanang gusto ngaking ama ng mga tugtog na jazz kaya doon niya hinango ang aking pangalan. Sa unang araw ng aking pagsilang sa mundong ito ay nalaman ng aking mga magulang na mahina ang aking baga, naging mabigat para sa kanila na tanggapin iyon ngunit sa kabila ng lahat ay naging masaya sila itinuturing pa rin nila akong biyaya at espesyal na regalo galing sa maykapal. ibinigay nila ang lahat ng aking mga pangangailangan , damit, gatas , bote, diaper at marami pang iba. hindi nila sa akin pinaranas ang kahirapan. bago dumating ang aking kaarawan ay isinugod ako sa ospital dahil sa kalagayan ng aking baga. kinabukasan noon ay aking kaarawan, gumawa sila ng paraan upang mairaos ko ito sa aming tahanan. matapos ang aking kaarawan ay isinugod akong muli sa ospital dahil kinakailangan, dahil hindi pa tapos ang aking gamutan.
graduate na ako ng kinder !
cute ko noh?!
hehe . . antaba ko haha . .
beautiful girls !
peace men !
               lumipas ang apat na taon, pinuno ng aking mga magulang nang mga pangaral at pagmamahal, hanggang sa nabiyayaan muli sila ng bagong supling. hindi mawawala sa akin ang kaba na magkakaroon na ako ng kapatid, magiging ate na ako. ngunit sa kabila noonay ibinigay ko sa kanya ang aking pagmamahal at ginampanan aking responsibilidad at maging isang mabuting kapatid.limang taon ako noon nang ako ay magumpisang magaral sa kinder, unang pasukan pa lamang ay nagkaroon na kaagad ako nang mga kaibigan na lagi kong nakakakwentuhan tuwing recess. pag tapos na ang klase ay hilig namin maglaro, magharutan at maghabulan, dahil doon ay nadapa ako. ayon ang kaunaunahang beses na nagkasugat ako. kaya't hanggang ngayon ay makikita pa rin ang peklat na naiwan nito sa akin.pagtungtong ko ng grade one,two, three at four ay ipinakita ko ang aking talento sa pagsasayaw , halos lagi kaming may presentation kapag may program. nang tumuntong ako sa grade five ay naging isa ako sa mga journalist. napasama din ako sa top ten noon sa aming class room na labis ikinatuwa ng aking mga magulang.nang ako ay mag gi grade six na ay napagdesisyunan ng aking ama na lumipat kami sa Bulacan sa partido ng kanyang mga magulang upang doon namin ipagpatuloy ang aming pagaaral.bagaman at ako ay baguhan lamng sa eskwelahang iyon ay pinakita nila ng kanilang paggalang sa akin. doon ko rin naranasan na maging presidente ng aming class organization na sa tingin ko naman ay aking nagampanang mabuti, gayundin ang aking ama nahalal naman siya bilang presidente ng PTCA, naging journalist akong muli sa larangan ng editorial cartooning hanggang sa nakapasok lumaban kami sa districy meeting at pinalad akong makapasok sa labinlimang napiling kalahok,ngunit pagdating ng division ay sawi na akong umuwi sa amin. kasabay ng aking pagkasawi ay ang sunod-sunod na problema sa bahay.pasalamat na lamang ako at nasolusyunan kaagad ito. bahagi nang pagdadalaga ay naranasan ko din naman na maligawan at dalhan ng merienda araw-araw. doon ko rin nakuha ang aking peklat sa aking kamay, papauwi na kasi kami noon ng ako ay mahulog sa hagdan dahil sa may nakaharang palang bato,nagdulot ito sa akin ng hindi pagpasok ng ilang araw dahil nilagnat ako.Sa paggraduate ko ay nagkaroon ako nang mga medalya, una ay ang medalya sa pagiging third honor ko, pangalawa naman ay pagiging most active at ang ikatlo ay ang medal na nakuha ko sa journalism.
              Sa aking pagtungtong nang hayskul ay napagpasyahan muli nang aking mga magulang na limipat sa San Pablo Laguna. hindi naging madali sa akin ang pagpasok ko sa hayskul, ngunit sa kabila nito ay naging maganda ang takbo nito napapunta kaagad ako sa mataas na seksyon ang seksyon "A", malungkot pa rin ako dahil wala pa akong nagiging kaibigan,ngunit habang tumatagal ay nagkakaroon na ako nang maraming kaibigan, hanggang sa nagkaroon ako nang barkada at naka buo nang grupo na pinangalanang JERSAJ nabuo ito noong kami ay first year pa lamang. naging masaya naman ang aming naging samahan, na halos araw-araw ay walang ginawa kundi magkwentuhan at magharutan,tawanan diyan, iyakan doon, at pagminsan ay labasan na rin ng mga problema. sa pagtungtong ko nang second year ay nabawasan na ang mga original na 1st year-A, pero hindi naman naging mahirap para sa akin na kaibiganin sila,naging masaya rin dahil magkakasama kaming lumalaban sa mga kompetisyon sa eskwelahan at sa kabutihang palad naman ay nananalo kami.pagdating nang third year ay nadagdagan kaming muli nang  mga bagong mukha sa classroom, mababait naman sila sa katunayan nga ay napadagdag sa aming samahan ang isa  sa kanila si shiara sabirin, kaya napaltan ang aming pangalan at naging JERSSAJ na.
whoo . .laban     !!
              Nagpapasalamat ako sa diyos dahil nakapasa ako sa pinakamahirap na yugto nang hayskul ang pagiging third year at ngayon ay tuwang tuwa akong sabihin na graduating na ako. Masasabi kong napakasaya nang taong ito para sa akin at sa aking mga kamag-aral,  marami akong mga naging karanasan sa taong ito tulad noong kami ay sumayaw sa SM para sa opening nila,nakapapagod pero masaya ang sumunod naman ay noong cheerdance competition, hindi namin inaasahan na kami ay makaka-first place sa patimpalak na iyon dahil maraming mga magagaling na kalahok na sumali doon,naging champion din kami sa mini olympics sa volleyball at basketball kaya naman lalo kaming nangitim. noong pasko at bagong taon naman ay iginugol ko lamang ang aking oras sa aking pamilya. nagkaroon kami nang reunion noon sa maynila, masaya dahil maraming palaro, bigayan nang regalo, at namasyal pa sa mga sikat na destinasyon sa maynila tulad nang luneta at manila zoo.nang magpasukan ay marami na namang mga proyekto, mga gastusin at mga aktibidad tulad noong nakaraang pebrero 11, 2011 ay ginanap ang aming junior & senior prom na lubos na kasiya siya sa akin dahil ayon ang unang beses na aatend ako. naging magarbo naman ito at talagang sulit ang ibinayad at sa katunayan nga ay ipinalabas pa sa telebisyon.
4-ablaze!
             Sa pagdating nang buwan nang marso ay puro praktis para sa graduation at mga pagsusulit na lamang ang aming gagawin kaya naman nararamdaman na nang bawat isa sa amin ang kalungkutan, dahil alam namin na malapit na kaming magwatak watak. nagpapasalamat ako dahil narating ko ang kinalalagyan ko ngayon, nag papasalamat din ako sa aking mga magulang na sumuporta sa akin simula noon hanggang ngayon, sa mga kaibigan na patuloy na umaalalay sa akin at laging na andiyan para tumulong at higit sa lahat ay ang maykapal na nagbigay sa akin nang buhay, lakas, at talas ng isipan upang magamit ko sa aking pagaaral. hindi ko siguro mararating ito kung wala sila.
           hindi ko masasabing magiging maayos at maganda ang mga susunod na yugto nang aking buhay, dahil ang diyos lang ang nakakaalam nang lahat, nawa ay ihatid niya ako sa maganda, maayos at mabuting landas. Na sa kabila nang aming kahirapan ay magtatamo din kami nang magandang kinabukasan.




the end !!
    

1 comment: