Saturday, February 19, 2011

Talambuhay ni John Rafael "Paeng" Banayo

            Ang talambuhay ay ginagawa upang isulat ang kanilang buhay kung saan sinasabi dito kung saan sila pinanganak, kung ano ang ginagawa niya noong bata pa siya at kung paano siya nakakilala ng maraming kaibigan. Bago ko ilahad ang aking buhay, nais ko munang makilala ninyo ang aking mga pinakamamahal na magulang na nagpalaki sa akin kahit na nagagalit ako minsan sa kanila nagpapasalamat parin ako dahil pinalaki parin nila akong mabait na bata. Maswerte at nagkaroon ako ng mga magulang na katulad nila. Ngayon ay sisimulan ko na nang ilahad ang aking buhay.
Ang cute ko di ba?
            Pinanganak sa Kamuning Quezon City Hospital. Masaya ang aking mga magulang nang makita nila ako at kahit hindi ko nakita iyon a alam ko na masaya sila doon. Nakatira kami noon sa Maynila kahit barong-barong pa noon ang aming bahay, masaya kami dahil sama-sama kami. Para bang wala kaming pinuproblema. Tandang tanda ko pa noon ang unang kaarawan ko. Napakaraming lobo, tuwang tuwa ako doon at abnong-abno. May pangyayari nga noon na umiyak ako dahil ayaw kong lumayo kay mama. Umiyak ako nan sobrang lakas, dahilan upang buhatin ako ni mama at titigil na ako sa pag-iyak. Nang tatlong taong gulang na ako, tuwang-tuwa ang mga ninong ko sa akin. Dahil nga sa bata pa kami ay manghang-mangha kami sa mga bagay na bago sa aming mata. Kaya kami ay  kanilang pinaglalaruan.
            Nang maging apat na taon na ako, nagtataka ako kung bakit may napakalaking truck sa harap ko. Ayon pala ay lilipat na kami. Lahat ng gamit namin ay nagkasya sa truck na iyon. Habang nasa byahe kami, nakatanaw lagi ako sa salamin ng truck. Manghang –mangha ako sa mga tanawaing nakikita ko sa aking paligid katulad ng dagat, bundok, at kung anu-ano pa. tinong ko kay mama kung anu-ano ang mga nakikita ko. Nang makarating na kami sa aming lilipatan, nakita ko ang isang napakalaking bahay. Maganda, ngunit yun pala ay titira lang kami sa isang maliit na kwarto. Kinuha lang pala kami doon bilang tagapag bantay ng bahay. Nagkataon na doon din napadestino si papa. Pero ayos lang kasi kami lang ang nasa napakalaking bahay. Edi parang bahay na rin naming iyon.
Ako at ang kaing mga kakalase noon.
            Doon na nag-aral ang kaptid ko ng kinder. Kapag umuuwi ang kapatid ko, lagi ko syang tinatanong kung ano ang ginagawa niya sa paaralan. At pag minsan ay kinukuha ko ang libro niya tapos babasahin ko dun,ko natutunang mag basa sa edad na apat na taong gulang. Nang makatapos na ang aking kapatid sa kinder lumipat na kami dahil sa sabi ni papa ay madidistino daw siya sa ibang lugar ng makarating na kami sa aming lilipatan. Nakitira muna kami sa ibang bahay at doon ko nakilala an gaming mga pinsan. Habang ginagawa an gaming bahay nakatira kami sa aming mga pinsan nang magawa na ang aming bahay. Syempre doon na kami tumira kahit hindi pa tapos ang bahay ay doon na kami tumira. Sa Brgy. Sta. Elena complex center dito ako unang tumuntong sa pag-aaral. Naaalala ko na noong kinder ako lagi akong hinahatid ni mama at sa tuwing recess na at bubuksan ang aking lunch box lagging natatapon ang aking inumin. Araw-araw lagging ganun kaya sanay na ako. Wala na akong problema sa aking pag-aaral dahil nung nasa Cavite ako lagi kong bninabasa ang libro ng aking kapatid kaya din ako na hihirapang magbasa dahil nga marunong na akong magbasa. Akin nalaang pinagtuunan ng pansin ay ang pag bibilang at pag-aaral ng math. Hindi naman naging mahirap sa akin ang pag –aaral sa kinder kaya naman nagkamedlaya ako. Nang tumuntong na ako sa unang baitang sa paaralan ng Placido Escudero Memorial School nagkaroon uli ako ng mga bagong kaibigan. Lahat sila ay mababait naalala ko sa tuwing recess talagang paunahan sa canteen parang isang marathon. Napakasaya noon sa tuwing naauna ka marami kang mapagpipilian at kapag dumami na ang mga tao talgang rumbulan yan dahil sa kunti lang ang pagkain sa canteen. Kaya nagdadala nalang ako ng pagkain. Sa tuwing tanghalian naman uuwi ako sa amin upang kumain at pagkatapos papasok na uli ako araw-araw ay ganun ang ginagawa ko hanggang tumuntong ako ng ikatlong baitang.

Ako at ang aking mabutihing ina.
Noong nasa ikatlong baitang ako iba na ang kakalase ko at dahil nga sa nasanay ako sa ibang kaklase ko nahirapan akong makibagay sa kanila dahil iba ang mundo nila kaysa sa akin kaya mas madalas nalaitin nila ako. Pero tinitiis ko nalang yun iniisip ko nalang nakailangan mag-aral dahil malalampasan ko sila sa tuwing tinutukso nila ako lagi ko nalang iniisisp iyon. At nag patuloy ang mga araw na ganun. Syempre sa mga Christmas party sama-sama lagi ang mga estudyante at mga guro para mag party. Pero ako nasa isang sulok palaging nag iisa dahil nga ayaw nila makisama sa akin. Ang pasko naman sa aming bahay ay sobrang saya sabi ni mama na may Santa Claus daw pero di ako naniniwala doon. Paano ba naman ang makakapasok si Santa kung walang papasukan kaya nag imbestiga ako sa gabi na nang malaman ko sina mama at papa nga lang talaga yan at napatawa nalang ako tama nga ako walang Santa Claus. Si Santa Claus pala ay aking mga magulang. Kinaumagahan nakita ko ang aking regalo sabi ni mama ”dib a totoo si Santa?” at ngumiti nalang ako at sinabi ko sa kanya “opo totoo po sila “ may halong pagtataka si mama bakit ko sinabing “sila” ehh isa lamang  si Santa siguro. Nahalata ni mama na alam ko na sila ang nagreregalo sa amin at hindi si Santa. Papgkatapos naming kumain umalis kami upang gumala sa bayan. Nanuod kami ng sine napakasaya ko noong paskong yun. Syempre pagkatapos ng pasko papasok ang Bagong Taon. Di ba maraming paniniwala sa bagong taon. Katulad ng pagpapaputok at pag susuot ng kulay pula. Dahil ayon daw sa alamat may isang halimaw daw ang dumarating upang kumain ng mga bata na diskubre ng isang monghe na ang halimaw ay takot sa pula at sa mga maingay na bagay kaya tuwing bagong taon at dumarating ang halimaw nagpapaputok at nag susuot ng pula upang takutin ang halimaw at may iba pang paniniwala katulad ng labing dalawang prutas simbolo ng labing dalawang buwan at pag susuot ng may bilog-bilog sa mga disenyo at pag lalagay  ng malagit na kakanin. Sa tuwing nagpapaputok sa amin talagang nakakabingi marami din mga ilaw at ang mga handa ay napaka sasarap. Nung bata pa ako lagi akong pinapatalon ni mama para tumangkad ako na hanggang ngayon ay ginagawa ko sa tuwing tapos na ang bagong taon. Lalabas ako sa amin para makisaya sa aming kapitbahay. Makasiyahan kasi lagi sa amin tuwng bagong taon. Tandang tanda ko pa ang mga laru doon may sack race, battle game at may natatandaan akong isang game ito ay ang pinaka weird na game para sa akin palabasan ng ihi. Naalala ko ito dahil napaka saya ng game na ito halos lahjat ng lalaki ay sumali sa amin. Kaso di ako pinalad na manalo ehh bata pa ako at panibagong araw panibagong taon kug pwede lang na dio matapos ang nangyari nung bagong taon sana di nalang natapos kaso kelangan mag bago ang araw kailangan natin harapin ang ngayon. Pasukan nanaman ang mga kaklase ko nag kukuwentuhan tungkol sa bagong taon. Kung anung ginawa nila, kung anu- ano ang kinain nilang pagkain at kung anu ang pina putok nila nung bagong taon. Pati ang guro naming ay nag kwento.

Class picture ko noong elementarya.
Nang maka tungtong ako sa ika anim na baitang ng elementary, dito dumami ang aking mga kaibigan dahil naging mabit na sila sa akin. Lalo akong ginanahan mag–aral ng isa ako sa pinaka magaling sa math. Lahat ng mga kaklase ko ay nagpapaturo sa akin. Nag bunga ang aking pag titiis kahit na tinutukso nila ako noon ay nag-aral pa rin ako ng mabuti at ngayon isa ako sa pinaka magaling na estudyante sa paaralan namin sa larangan ng mathematica. Sa aming paaralan may laro kami ito ay sikyo sa larong ito kailangang maghubalan kapag na huli ka kailangan mong pumnta sa base nila at kailangan iligtas ka kasi kung hindi matatalo kayo isa ito sa pinaka paborito kong laro pagkatapos ko kumain ng binalot mag aantay ako ng kalaro ko at pag kumpleto na kami mag gugrupo na kami. Napakasaya ng larong sikyo. Nang gagraduate na ako ng elementary mas nagbago na ako kahit minsan ay psaway akomay oras na seryoso ako dahil na isip ko na mag hihigh school na ako. Pumasok na ako ng high sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Mermorial National High School. Dito sa school sobrang dami ang nangyari, nagkarooon ako ng mga bagong kaibigan at kaklase pero may isa akong kaklase na kahit ngayon ay kakalase ko pa rin simula noong kinder ako, ito ay c Roi Guia kahit na minsan ay may sayad siya. Sanay na ako. Dahil kaklase ko na siya sa simula’t sapul. May naalala akong isang nakakatuwang kaklase dahil niloloko siyang paksiw o “Fritz paksiw” dahil nga naman amoy paksiw nga naman siya. Ito palagi ang tinutukso ng aking mga napakasasalaw na kaklase ko minsan pag wala kaming guro ikukulong siya sa likod ng pinto tapos huhulugan nila ng napakaraming rags. Minsan napa guidance pa ang mga kaklase ko dahil hinabol si Fritz tapos bubugbugin. Minsan na aawa ako kay Fritz pero wala naman akong magawa kundi tingnan siya naging sakim akong tao dahil nga ayaw ko nang mangyari sa akin ang nangyari sa akin noong elementary ako lagging inaasar at sasaktan. Kaya nanahimik nalang ako. Masaya ang mga events sa Dizon High kapag nutrition month ang 1st yr at ang 2nd yr ay nag peprecent ng “NutriJingle” naalala ko nuong nag nutrijingle kami kailangan naming mag issp n gaming kanta na unique tapos babaguhin namin ang lyrics natungkol sa nutrition month at mag papraktis kami ng sayaw at ng dumating na ang araw ng laban lahat ng mga kontestan ng gulay at kung ano-anu pa. Napakalaki ng excpectation sa amin dahil sa lagging seksyon naming ang nanalo sa contest na ito. Pero hindi sila nabigo sa amin kami ang nag first place sa nutrijingle. Sobrang saya din tuwing Christmas party. Nagkakaroon concert dito sa school at ang mga kasali ay ang mga estudyante na bumuo ng banda syempre pagkatapos ng concert may kanya kanyang Christmas party ang mga bawat seksyon. May event din dito na bingo masaya din itong event na ito kapag buminggo may mapapalanunan kang mga premyo kaso di mapalad na nanalo pero ayos lang kasi masaya. Satuwing natatapos an gaming klase paunahan talaga kami sa computer shop takbuhan kami nakahit masagasaan ay di naming iniisip dahil ang iniisip lang naming ay ang makapaglaro. Tuwing sabado naman,  pupunta kami sa computer shop ng six ng umaga at matatapos ng gabi at minsan pa ay napapagalitan kami dahil sa gabi na nga kami umuwe.
Yeah!! Ang gwapo ko!
            Maraming mga masasayang  pangyayari ang aking mga naranasan sa pag daloy ng panahon sa aking harapan nais kong ilahad ang lahat ngunit dahil sa sobrang dami iilan lamang ang aking nailahad. Nalalapit na ang pagtatapos ng aking paglakbay sa buhay sekondarya, kung maaari lang ay maibalik ko ang mga ito at lasapin muli ang mga pagkakataong maaaring makalimutan sa pagtagal ng panahon. May mga pagsubok na dumating sa akin ngunit aking nalagpasan, may mga masasayang alaala na nag bigay ng inspirasyon sa akin. Alam ko hindi pa dito natatapos ang lahat dahil naniniwala ako na ang bawat buhay ng tao na puno ng kwento ay tila isang kayamanang hindi matutumbasan.

No comments:

Post a Comment