Saturday, February 19, 2011

Liza Llanera"Talambuhay ng Babaeng simple, sobrang mapag-mahal, mahilig sa musika at masarap kasama".

Noong 1 taon ako
Liza C. Llanera, yan ang pangalan ko pero sa bahay Iza ang tawag nila sa akin. Ipinanganak ako noong Nobyembre 24, 1992 sa Buenavista, Quezon. Sina Wilma at Edgardo Llanera ang mga magulang ko. Ako ay isang simple lang pero sobrang mapagmahal kaya siguro kapag may umiiyak ay madali din akong umiyak at kapag naman may tumatawa ay madali din akong tumawa. Ang hilig ko ay kumanta, mag picture at magbasa ng mga aklat. Mahilig ako sa mga kanta dahil mahahalintulad ko ang aking sarili dito. At ito ang aking inspiriasyon kapag malungkot ako, kumakanta lang ako ng aking sarili dito.
Kaya siguro naging pangarap ko ang maging singer  at maging teacher naman dahil gusto ko ang nagbabagi ng aking kaalaman sa iba.
Noong  bata pa ako sa Quezon kami nakatira at kung saan din ako sinilang. Para sa aking sa Quezon ang pinakamasayang parte ng buhay ko. Ang bahay naming doon ay katabi ng dagat at sa beach kami noon naglalaro ng mga pinsan ko at iba ko pang mga kalaro. Masasabi kong sobra ako doong masaya dahil nandam ang aking lolo at lola, mga pinsan, at iba ko pa mga kamag-anak pati na rin ang mga matalik kong kaibigan. Bawat araw nnon ay talaga namang hindi ko pa rin malilimutan dahil palagi ako dong masaya. Hindi ko pa rin malilimutan ang asaran naming magkakalaro, habulan sa beach o aplaya , ito ang tawag doon sa amin,pangunguha ng mga shell, panghuhuli ng mga katang-katangan o mas kilala nating alimango katulad nito ang maliit nga lang at ang ikinatutuwako ay ang magaganda nitong mga kulay at lalung-lalo na ang paglalaro ko ng san o buhangin ko. Para sa akin wala nang sasaya pa sa pagiging bata.

Noong  bata pa ako ay spoiled ako dahil lahat ng gusto ko ay susunod kapag hindi ibibigay ng mama at papa ko ang gusto ay umiiyak ako at nagsusumbong ako sa aking mga inay at itay o ang lola at lolo ko. Dahil gusto ko noon nga maraming laruan tulad ng radio-radyuhan, mga manika at lahat halos ng mga makitang kong laruan. Hindi lang sa laruan gusto rin noon nga iba’t-ibang pagkain at hindi ko malilimutan ay ang palagi kong ipinabibili sa mama ko ang cotton candy, ice cream, at marami pang iba. Pati mga bag, sapatos, damit, gamit sa school, hikaw, singsing, pulseras, at ibang alahas. Minsan pa nga ay hindi ko malilimutan na naiwala ko ang regalo sa akin ng mama at papa ko na gintong hikaw dahil habang naglalakad ako sa tulay ito ay nahulog . napahalitan ako pero okay lang dahil kasalanan ko naman. At maging kung aalis ang mama ko ay gusto ko pagdating ay mayroon akong pasalubong. Kaya ngayong high school na ako ay napansin ko na talagang masaya pala talagang maging isang bata at masuwerte ako dahil may mga magulang akong palaging nandiyan para sa akin. ‘
Noong Grade 1 
Sa Quezon din ako nagsimulang mag-aral ng kinder, masayadin dahil ang bahay naming ay kalapit lang ng school pero kahit ganoon ay inihahatid at sinusundo pa rin ako ng mama ko, minsan nga tiya at pati din minsan si inay. Kaya siguro mama’s girl ako noon. Ang paaralan naming noon ng kinder ay sa loob ay may bahay-bahayan kung saan kami naglalaro ng mga kalaro ko. At noong mag graduation na ng kinder kami ay hindi makakalimutan na kumanta ako sa stage, ito ang kauna-unahang kumanta  ako sa harap ng mga tao at talaga namamng sobra ako noong kinabahan pero nang matapos ako ay nagpalakpakan at nagagawan ang mga tao at ng panahonh iyon ay sobra talaga akong masaya hindi lang dahil sa mga papuri nila kundi dahil nagawa kong kumanta nang maayos. At proud na proud noon ang mga kamag-anak naming lalu=lalo na ang mga magulang ko.
Grade 6
Pagkatapos ng kinder at daycare ko lumipat kami dito sa San Pablo at nagsimula na naman ang bagong kabanata ng buhay ko. Lumipat kami dito dahil nagkarpintero at nagtanim ang papa ko pagkatapos lumipat ulit  kami sa Batangas naman kami tumira ganun din trabaho ng papa ko ko doon. Sa btangas din ako nag-aral ng grade 1at grade2. Sa Batangas naman ay sobrang layo ng paaralan kaya lumipat ulit kami ng tirahan at bumalik ulit kami sa San Pablopero syempre malungkot talaga kasi malalayo na naman ako sa mga kaibigan ko. Dito ako sa San Pablo ng-grade 3 hanggang grade 6. Noong grade 3 at 4, naging achiever lang ako at noong grade 5, naging 3rd honor naman ako. Hindi ko talaga inaasahan na magiging 3rd honor at noon kasi sobrang talino noong 3rd honor naming pero talagang pinagsikapan at pinaghirapan ko iyon dahil noon ko napagdesisyonan na gusto kong maging guro baling araw. Kaya nang ako ay magtapos ng elementary ay naging salutatorian ako, sabi nga ng iba kaya ko rin daw maging valedictorian dahil kulang lang ako sa mga extra curricular ayaw ko talagang sumali noon sa mga activity sa school.
Noong 3rd year 
At nang ako’y maging 1st year high school na ay hindi ko pa talaga alam kung ano ang buhay ng isang high school student at bilang isang teenager. Noong una, may nagsasabi dawn a ito daw ang pinakamasayang parte ng pagiging istudyante. At  napabilang ako sa pinakamataas na seksyon sa aming paaralan, ang “science”. Noon, hindi ko pa alam kung bakit may mga seksyon pa ang mga mag-aaral gayon pareho lang naman ang mga mag-aaral, mag-kakaiba nga lang ng antas ng talino, talent at ugali pero isa lang ang dahilan kung bakit tayo nasa paaralan, ito ay upang  matuto. Hinding-hindi ko malilimutan noong 1st year kami ay ang contest sa Filipino, iyon ay ang ibong adarna, dahil 1st time kong sumayaw ng may kapartner at talagang nahihiya ako pero ibinigay ko pa rin ang aking makakaya upang manalo kaya nanalo an gaming seksyon. Noong 2nd year ako, ang hindi ko makakalimutan ay ang Florante at Laura dahil sa costume naming na may pakpak dahil ako ay mang-aawit at kami noon ang best mang-aawit. Noong 3rd year naman ako, ang hindi ko kalilimutan noon ay ang J.S. prom. Dahil  1st time kong sumayaw sa ganoong okasyon at ang masaya pa dun ay nakasayaw ko ang aking pinakamalapit kong kaibigan at noong Makita ko siya akala ko pa nga ay hindi siya iyon. Hindi ko rin malilimutan noon ang mga asaran naming magkakabarkada at iba pang bonding moment noon gaya ng sama-sama naming pakikinig at pananonood ng mga naggigitara. Ang best friend ko noon ay sina Jimilyn at Girlyn. Si Jimilyn na matalino hindi lang sa math maging sa ibang subject din at si Girlyn na magaling bumigkas at magdrawing. At hindi ko rin makakalimutan ang pangalan ng barkadahan namin ang ‘Anime Lovers’ na kinabibilangan ng mga magkakaibigang may magkakaibang taleto. Ang mga kaibigan ko na sina Jimilyn, Girlyn, Berna, Maan Kaye Em at ako, kami ang “Anime Lovers”. Talagang masaya ako kapag magkakasama kami nagbobonding. At ang higit sa lahat ang hindi ko makakalimutan ay noong lumipat ako ng seksyon. Talagang sobrang nalungkot ako noon at sabi ko nga sa sarili na sana hindi na lang ako nagkasakit dahil hindi ko alam kung paano makikisama sa bagong seksyon na kina bibilangan ko ngayon.
JS Prom
 Noong 3rd year ako minsan naisip ko na, anu kaya ang pakiramdam ng ibang seksyon dahil sa science puro pag-aaral lang ang ginagawa, maraming takdang aralin, quiz, seatwork, activity at marami pang iba kaya nang lumipat ako sa seksyon A ay natutunan ko na masaya pala silang kasama, sa kanila ko natutunan ang tunay na kahulugan ng kaibigan at salitang kooperasyon. Bakit ? dahil sa 4A nagtutulungan ang lahat na parang magkakapatid at pantay-pantay di katulad ng nasa science. Maraming kompetisyon pero mahalaga at mahal na mahal ko pa rin ang science kasi mas nauna ko silang nakilala kaya hinding-hindi ko talaga makakalimutan. At ngayong 4th year hindi ko malilimutan sa lahat, ang cheerdance, Mini Olympics at JS prom. Hinding-hindi ko rin makakalimutan ang mga kulitan at asaran ng 4A at marami pang iba. At salamat dahil makakapagtapos na rin kami hinding-hindi ko malilimutan ang paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National HighSchool dahil sa dito sa paaralang ito natutuhan ko na masaya talagang maging isang HighSchool Student, natutuhan ko rin ang kahalagahan ng oras at dapat maging “positive thinker” tayo sa buhay at sana pagkatapos ng HighSchool ay matupad na lahat na naming magkakaklase an gaming mga pangarap sa buhay.


" Anime lover "


At salamat din dahil nakilala ko ang mga kaibigan ko na sina Angel, Gill, Fona, Jerlyn, at Mitch. At hanngang ngayon patuloy pa rin akong nangangarap na sana balang araw matupad ko ang aking mga pangarap sa buhay.  

No comments:

Post a Comment